Tuesday, June 16, 2015

Kailan Mo Sasabihin sa Sarili Mo na TAMA NA MOVE ON NA

Gusto mo mag move on pero hindi mo alam kung paano, hindi mo alam saan mo sisimulan, hindi mo alam ano bang dapat mong gawin, naguguluhan ka ano bang tama o mali. Go pa ba o TAMA NA MOVE ON NA?
                                   

Monday, June 15, 2015

PAANO


Hanggang kailan mo ba balak pahirapan ang sarili mo?

Hanggang kailan mo ba iisipin na pwede pa, na kaya pang ilaban?

Hanggang kailan ka aasa na marerealize nya ang tunay na halaga mo?

Hanggang kailan ka magmumukmok, iinom, iiyak?

TAMA NA, MOVE-ON NA!


Eh paano ba kasi mag move on?

Paano nga ba?

Oo, hindi talaga madali. Eh minahal mo eh. Ganyan talaga.

Eh paano nga?

Pakamatay ka!

Chos!

Syempre wag no.

Joke lang.


Dahil lang sa isang tao, papakamatay ka? Kapatid, isang tao lang yan.

Oo nga at sya ang naging mundo mo, oo nga at sya na ang naging buhay mo.

Eh pano naman ang pamilya mo? Ang mga kaibigan mo?

Lahat nang taong nagmamahal sayo? Wag ganun!

Pakamatay kagad? Agad agad?!

Matakot ka kay God huy!

Ganito kasi yan...

Saturday, June 13, 2015

CRY


Iiyak mo. Sige lang iiyak mo lang nang iiyak.

Normal lang yan eh tao ka eh, ang sakit eh ano?

Mauubos din yan, maniwala ka mauubos din talaga yan.

Mauubos yan pag wala na lahat ng sakit.

Mauubos yan pag gumaan na ang pakiramdam mo.

Mauubos yan pag napagod na ang mga mata mo.

Mauubos yan pag napagod ka na rin.

Mauubos yan.

Mauubos yan kasi mararamdaman mo kung gano ka na katanga.

Maaawa ka sa sarili mo hanggang sa sasabihin mo na lang


TAMA NA TO, SOBRA NA TO.

Okay lang umiyak. In fact, mas okay talaga na pag may problema tayo iyak lang tayo para maya maya wala na din. Makakaharap na ulit tayo sa mundo natin nang may ngiti sa ating mga labi. Magaan na, parang walang nangyari.

Ganyan lang ang buhay sabi nga nila hindi araw araw pasko.

Okay lang yan.

Kaya mo yan.

Okay lang umiyak, basta wag kang susuko.

Isipin mo na lang, napakadaming tao sa mundo hindi lang ikaw ang bukod tanging single. Pasalamat ka nga nagkajowa ka eh, yung iba nga di pa naliligawan. Yung iba di pa pwedeng magpaligaw, di pa pwedeng manligaw, natatakot masaktan, natatakot sumubok.

Kung nangahas ka umibig dapat alam mo na pagdadaanan mo din talaga yan.

Masasaktan at masasaktan ka din, eh nagmamahal ka e.

Pero aminin mo, masarap umibig diba?

Masarap magmahal.

Masarap mahalin.

Masarap maramdaman na may isang taong andyan lang lagi para sayo.

Isang taong kausap mo lagi, kasama mo lagi.

Malambing.

Makulit.

Oh alam mo na kung bakit masakit?

Daming memories eh no?

Pag naaalala mo Oh my G ang hirap.

Normal lang yan. Laban lang.

Basta pagkatapos mo iiyak lahat move on ka na.

Kaya mo yan.

Siguro naman bago matapos ang isang taon ubos na yan diba?

Iyak ka ng iyak dyan eh yung iniiyakan mo wala nang pakialam sayo or wala naman talagang pakialam sayo noon pa filingera ka lang din talaga.

Iyak ka ng iyak dyan eh yung iniiyakan mo ayun masaya na sa iba,

gala dito gala duon.


TAMA NA, MOVE ON NA!

Tuesday, June 9, 2015

ACCEPT IT

Kailangan mo tanggapin na wala na talaga.
Accept the fact that it didn't work out.
Tulungan ang sarili.
Bakit nakipag-break ka pa or hinayaan mo syang mawala kung wala ka rin naman pala balak tanggapin sa sarili mo na talo na talaga? Nag-iinarte ka?


Sus tigilan ako ha.

Oonga andun na ko sa on-off kayo. Pero once na magdecide ka na ayaw mo na talaga, pagod ka na, panindigan mo. Ganun lang naman tayong mga babae eh, hangga't kaya pang ilaban, ilalaban. Pero diba mararamdaman mo naman yung ayoko na pagod na ko? Pag dumating ka na sa puntong yon, manindigan ka. Oh well kung nagiinarte ka lang naman, eh asa ka pang may mababago sa relationship nyo. Eh sinasanay mo lang lalo sya na ganyan ka eh. Lalo syang magiging kampante. Iisipin nya Okay lang mamaya kami na ulit. TIBAY NG LOOB DAPAT KAPATID!


Para naman sa mga lalaki dyan, kung mahal mo talaga eh ipaglaban mo. Sasabihin mong mahal mo yet tinanggap mo naman na makipagbreak sayo. Wala ka namang ginawa para pigilan sya. Nganga ka na naman.


EFFORT man, EFFORT!


Kausapin mo, kung ayaw magsalita, tulungan mo. Tanungin mo ano bang problema, anong naging pagkukulang mo, anong dapat mong gawin.

Ganun yun.
Di pwedeng lagi na lang SORRY eh, di pwedeng lagi na lang I love you.
Action speaks louder than words diba?

Ano hihintayin mo na lang gumawa ng paraan ang langit?
Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.
Idadamay mo pa daw si God dyan sa katamaran mo.

Kung kami, kami; Kung hindi, hindi.
Hindi rin kapatid.
Kayo kung kayo lang kung ilalaban mo.
Hindi kayo kung hindi kayo kung bibitiw ka at susuko.


Pinagpalit ka? Nagsorry humingi ng another chance. Pagbigyan mo.
Madami kang tanong diba? What if hindi na nya ulitin? What if kasalanan ko naman talaga kaya nya nagawa yun? Love is sweeter the second time around daw diba? Naniwala ka naman. Pero sige bigyan mo nang another chance para wala ka ring pagsisihan, eh gusto mo pa rin naman tanggapin e. Pero pag umulit pa, eh naku tama na. Tanga ka na talaga nun.


Matagal na kayo, mga isa, dalawa, tatlo, apat na taon? Naghihintay ka na dumating yung araw na maparamdam nya yung klase ng pagmamahal na gusto mo. Kausapin mo kasi, di na uso yung hintay hintay na yan, agresibo na tayo sa mga panahong to. Kinausap mo dumating ang sumunod na taon, ganun pa din naman wala pa din naman nangyari. Oh eh anong balak mo? Papaabutin mo pa ba nang walong taon yan?


Kapatid, sa lahat ng tanong may sagot.
Sa lahat ng problema may solusyon.
Ngayon kung pagod ka na talaga kung ayaw mo na talaga, eh move on move on din.

Accept It. Let Go and Let God.
TAMA NA, MOVE ON NA!

Wednesday, June 3, 2015

CHANGE YOUR NUMBER


Palitan mo na yang simcard mo.
Magpalit ka na nang number.
Sus ayaw mo magpalit, sasabihin mo okay lang yan hindi ko na lang irereply.


Kapatid, pinahihirapan mo lang ang sarili mo.
Eh mababasa mo rin yung mga text nya sayo eh, tapos magrereply ka rin naman.
Eh wala kang balak mag-move on nyan, nagiinarte ka lang.
Palitan mo na yan.
Eh ano kung wala kang katext, kung walang tumatawag sayo?
Eh ganun talaga tanggapin mo yan, kasama yan sa break up.
Manindigan ka.
Kung ayaw mo na talaga, yun ang gawin mo.
Kung gusto mo talaga matahimik, kung gusto mo talaga makamove-on, isa sa pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin is alisin ang communication nyo.

Isa pa, gagawin mo yan hindi lang para sa sarili mo.
Pag ginawa mo yan, tinutulungan mo na ang sarili mo, tinutulungan mo na din sya.
Kasi mararamdaman nya na ayaw mo na talaga.
Mararamdaman nya na inaalis mo na talaga sya sa buhay mo.
Mararamdaman nya na hindi na sya parte ng mundo mo.
Unti-unti...

Dahan-dahan...
Ganun naman talaga diba?
Ang hirap baguhin nang nakasanayan.
Ang hirap umalis sa comfort zone.
Walang permanente sa mundo.
Lahat nababago.
Lahat nawawala.

Sa una lang mahirap yan.

Pasasaan ba at masasanay ka din.
Sabi din nila kapag may nawala sayo, may darating na kapalit.
Bagay man yan, opportunity, swerte, o the one.

Kaya nga kailangan tanggapin mo.

Gusto mo maging friends pa din kayo?
Huy! Hindi ganon kadali yun.
Give it a time.
Time heals all the wounds ika nga nila.
Maghintay ka lang, wag mo madaliin lahat.
Wag kang masyadong HOT.

Yung simcard mo, palitan mo na yan.

TAMA NA, MOVE ON NA!