Showing posts with label My Wattpad Stories. Show all posts
Showing posts with label My Wattpad Stories. Show all posts

Tuesday, June 16, 2015

Kailan Mo Sasabihin sa Sarili Mo na TAMA NA MOVE ON NA

Gusto mo mag move on pero hindi mo alam kung paano, hindi mo alam saan mo sisimulan, hindi mo alam ano bang dapat mong gawin, naguguluhan ka ano bang tama o mali. Go pa ba o TAMA NA MOVE ON NA?
                                   

Monday, June 15, 2015

PAANO


Hanggang kailan mo ba balak pahirapan ang sarili mo?

Hanggang kailan mo ba iisipin na pwede pa, na kaya pang ilaban?

Hanggang kailan ka aasa na marerealize nya ang tunay na halaga mo?

Hanggang kailan ka magmumukmok, iinom, iiyak?

TAMA NA, MOVE-ON NA!


Eh paano ba kasi mag move on?

Paano nga ba?

Oo, hindi talaga madali. Eh minahal mo eh. Ganyan talaga.

Eh paano nga?

Pakamatay ka!

Chos!

Syempre wag no.

Joke lang.


Dahil lang sa isang tao, papakamatay ka? Kapatid, isang tao lang yan.

Oo nga at sya ang naging mundo mo, oo nga at sya na ang naging buhay mo.

Eh pano naman ang pamilya mo? Ang mga kaibigan mo?

Lahat nang taong nagmamahal sayo? Wag ganun!

Pakamatay kagad? Agad agad?!

Matakot ka kay God huy!

Ganito kasi yan...

Saturday, June 13, 2015

CRY


Iiyak mo. Sige lang iiyak mo lang nang iiyak.

Normal lang yan eh tao ka eh, ang sakit eh ano?

Mauubos din yan, maniwala ka mauubos din talaga yan.

Mauubos yan pag wala na lahat ng sakit.

Mauubos yan pag gumaan na ang pakiramdam mo.

Mauubos yan pag napagod na ang mga mata mo.

Mauubos yan pag napagod ka na rin.

Mauubos yan.

Mauubos yan kasi mararamdaman mo kung gano ka na katanga.

Maaawa ka sa sarili mo hanggang sa sasabihin mo na lang


TAMA NA TO, SOBRA NA TO.

Okay lang umiyak. In fact, mas okay talaga na pag may problema tayo iyak lang tayo para maya maya wala na din. Makakaharap na ulit tayo sa mundo natin nang may ngiti sa ating mga labi. Magaan na, parang walang nangyari.

Ganyan lang ang buhay sabi nga nila hindi araw araw pasko.

Okay lang yan.

Kaya mo yan.

Okay lang umiyak, basta wag kang susuko.

Isipin mo na lang, napakadaming tao sa mundo hindi lang ikaw ang bukod tanging single. Pasalamat ka nga nagkajowa ka eh, yung iba nga di pa naliligawan. Yung iba di pa pwedeng magpaligaw, di pa pwedeng manligaw, natatakot masaktan, natatakot sumubok.

Kung nangahas ka umibig dapat alam mo na pagdadaanan mo din talaga yan.

Masasaktan at masasaktan ka din, eh nagmamahal ka e.

Pero aminin mo, masarap umibig diba?

Masarap magmahal.

Masarap mahalin.

Masarap maramdaman na may isang taong andyan lang lagi para sayo.

Isang taong kausap mo lagi, kasama mo lagi.

Malambing.

Makulit.

Oh alam mo na kung bakit masakit?

Daming memories eh no?

Pag naaalala mo Oh my G ang hirap.

Normal lang yan. Laban lang.

Basta pagkatapos mo iiyak lahat move on ka na.

Kaya mo yan.

Siguro naman bago matapos ang isang taon ubos na yan diba?

Iyak ka ng iyak dyan eh yung iniiyakan mo wala nang pakialam sayo or wala naman talagang pakialam sayo noon pa filingera ka lang din talaga.

Iyak ka ng iyak dyan eh yung iniiyakan mo ayun masaya na sa iba,

gala dito gala duon.


TAMA NA, MOVE ON NA!

Tuesday, June 9, 2015

ACCEPT IT

Kailangan mo tanggapin na wala na talaga.
Accept the fact that it didn't work out.
Tulungan ang sarili.
Bakit nakipag-break ka pa or hinayaan mo syang mawala kung wala ka rin naman pala balak tanggapin sa sarili mo na talo na talaga? Nag-iinarte ka?


Sus tigilan ako ha.

Oonga andun na ko sa on-off kayo. Pero once na magdecide ka na ayaw mo na talaga, pagod ka na, panindigan mo. Ganun lang naman tayong mga babae eh, hangga't kaya pang ilaban, ilalaban. Pero diba mararamdaman mo naman yung ayoko na pagod na ko? Pag dumating ka na sa puntong yon, manindigan ka. Oh well kung nagiinarte ka lang naman, eh asa ka pang may mababago sa relationship nyo. Eh sinasanay mo lang lalo sya na ganyan ka eh. Lalo syang magiging kampante. Iisipin nya Okay lang mamaya kami na ulit. TIBAY NG LOOB DAPAT KAPATID!


Para naman sa mga lalaki dyan, kung mahal mo talaga eh ipaglaban mo. Sasabihin mong mahal mo yet tinanggap mo naman na makipagbreak sayo. Wala ka namang ginawa para pigilan sya. Nganga ka na naman.


EFFORT man, EFFORT!


Kausapin mo, kung ayaw magsalita, tulungan mo. Tanungin mo ano bang problema, anong naging pagkukulang mo, anong dapat mong gawin.

Ganun yun.
Di pwedeng lagi na lang SORRY eh, di pwedeng lagi na lang I love you.
Action speaks louder than words diba?

Ano hihintayin mo na lang gumawa ng paraan ang langit?
Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.
Idadamay mo pa daw si God dyan sa katamaran mo.

Kung kami, kami; Kung hindi, hindi.
Hindi rin kapatid.
Kayo kung kayo lang kung ilalaban mo.
Hindi kayo kung hindi kayo kung bibitiw ka at susuko.


Pinagpalit ka? Nagsorry humingi ng another chance. Pagbigyan mo.
Madami kang tanong diba? What if hindi na nya ulitin? What if kasalanan ko naman talaga kaya nya nagawa yun? Love is sweeter the second time around daw diba? Naniwala ka naman. Pero sige bigyan mo nang another chance para wala ka ring pagsisihan, eh gusto mo pa rin naman tanggapin e. Pero pag umulit pa, eh naku tama na. Tanga ka na talaga nun.


Matagal na kayo, mga isa, dalawa, tatlo, apat na taon? Naghihintay ka na dumating yung araw na maparamdam nya yung klase ng pagmamahal na gusto mo. Kausapin mo kasi, di na uso yung hintay hintay na yan, agresibo na tayo sa mga panahong to. Kinausap mo dumating ang sumunod na taon, ganun pa din naman wala pa din naman nangyari. Oh eh anong balak mo? Papaabutin mo pa ba nang walong taon yan?


Kapatid, sa lahat ng tanong may sagot.
Sa lahat ng problema may solusyon.
Ngayon kung pagod ka na talaga kung ayaw mo na talaga, eh move on move on din.

Accept It. Let Go and Let God.
TAMA NA, MOVE ON NA!

Wednesday, June 3, 2015

CHANGE YOUR NUMBER


Palitan mo na yang simcard mo.
Magpalit ka na nang number.
Sus ayaw mo magpalit, sasabihin mo okay lang yan hindi ko na lang irereply.


Kapatid, pinahihirapan mo lang ang sarili mo.
Eh mababasa mo rin yung mga text nya sayo eh, tapos magrereply ka rin naman.
Eh wala kang balak mag-move on nyan, nagiinarte ka lang.
Palitan mo na yan.
Eh ano kung wala kang katext, kung walang tumatawag sayo?
Eh ganun talaga tanggapin mo yan, kasama yan sa break up.
Manindigan ka.
Kung ayaw mo na talaga, yun ang gawin mo.
Kung gusto mo talaga matahimik, kung gusto mo talaga makamove-on, isa sa pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin is alisin ang communication nyo.

Isa pa, gagawin mo yan hindi lang para sa sarili mo.
Pag ginawa mo yan, tinutulungan mo na ang sarili mo, tinutulungan mo na din sya.
Kasi mararamdaman nya na ayaw mo na talaga.
Mararamdaman nya na inaalis mo na talaga sya sa buhay mo.
Mararamdaman nya na hindi na sya parte ng mundo mo.
Unti-unti...

Dahan-dahan...
Ganun naman talaga diba?
Ang hirap baguhin nang nakasanayan.
Ang hirap umalis sa comfort zone.
Walang permanente sa mundo.
Lahat nababago.
Lahat nawawala.

Sa una lang mahirap yan.

Pasasaan ba at masasanay ka din.
Sabi din nila kapag may nawala sayo, may darating na kapalit.
Bagay man yan, opportunity, swerte, o the one.

Kaya nga kailangan tanggapin mo.

Gusto mo maging friends pa din kayo?
Huy! Hindi ganon kadali yun.
Give it a time.
Time heals all the wounds ika nga nila.
Maghintay ka lang, wag mo madaliin lahat.
Wag kang masyadong HOT.

Yung simcard mo, palitan mo na yan.

TAMA NA, MOVE ON NA!

Sunday, May 31, 2015

UNFOLLOW, UNFRIEND, DEACTIVATE

Ano ba please, nagttry ka magmove on yet araw araw tinitingnan mo pa rin naman ang update nya sa Facebook nya, Instagram, Tumblr, Flickr, Twitter or kung saan man yan.

Sinong niloloko mo?

Tama.

Sarili mo rin.
Ayos ka rin e.
Eh bakit ka ba kasi nakipagbreak?
Gusto mo lang ba na suyuin ka nya?
Eh hindi ka sinuyo.
Buti nga.
Ai tanga.
Anong magagawa ng status nya sa facebook?
Kaya ganyan lang din ang pagpapahalaga nya sayo kasi kasalanan mo din e.
Sinanay mo.
Ikaw lang lagi ng ikaw.
Bineybi mo masyado.

Ayaw mo iunfriend, ayaw mo magdeactivate kasi ang katwiran mo, bakit ko gagawin yun sino ba sya?

Sus, arte mo din eh.

Oh eh di iunfollow mo na lang para hindi mo makita sa newsfeed mo ang updates and activities nya. Ganun lang kasimple.

Kung gusto mo talaga mag move on kapatid, gawin mo.

Kaya mo yan.

Tulungan ang sarili.

Kailangan mo ba sya stalk araw-araw para alamin kung masaya ba sya?

Kung affected ba ng bongga, kung nahihirapan din ba tulad mo.

Pahirap ka sa sarili mo oo.

Tapos pag nakita mo na okay na sya may dinidate nang iba iiyak ka na naman...

Eh ikaw din kasi e.


Wag ka nang manghinayang.

Ibigsabihin lang non, hindi ka nya talaga mahal.

Eh di sana gumawa sya ng paraan para bumalik ka diba?

Eh hindi nga eh.

Hayaan mo na sya. Mabuti na nga yun kasi diba hindi mo na sinasayang pa ang panahon mo sa taong alam mong hindi ka naman talaga ganong kamahal.

Nakita mo sa mga post nya na nahihirapan din sya?

Nagstatus si Ex mo ng "Mahal pa rin kita, ang hirap na sobra"

Nagalak ka naman, medyo naluluha ka pa.


Kung mahal ka non edi sana nga nageffort yun diba?


Baka naman kaya nga sya nagstatus ng ganon kasi alam nya na kapag nabasa mo ikaw na mismo ang babalik sa kanya.

Wag naman ganun!

Mahalin mo ang sarili mo ano ka ba.

Pahirapan mo din naman sya.

Sinong nahihirapan ngayon?

Ikaw din.

Matauhan ka na, gising na.

TAMA NA, MOVE ON NA!

Wednesday, May 27, 2015

TALK ABOUT IT

Akala mo ba tama yung ayaw mo na lang pagusapan? 
Ayaw mo na naririnig ang pangalan nya yet sya din naman ang laging laman nang isip mo. 

Wag mong itago. 

Wag mong takbuhan. 

Andyan ka ngayon eh lalo ka lang mahihirapan kung patuloy mong kikimkimin sa loob ang sakit. 

Sa halip, be vocal about it. Sige lang ikwento mo. Siguro naman close kayo ng nanay mo? 
Meron ka naman sigurong tunay na kaibigan? 
Madaldal ka? 
Ikwento mo sa katrabaho mo. 
Ikwento mo sa kasuno mo sa MRT. 
Ikwento mo sa alaga mo.

Wag mo kimkimin, anong gagawin mo dyan? 
For sure naman alam ng mga tao sa paligid mo na nag-break na kayo, 
na pinagpalit ka, na iniwan ka. 

Sige sabihin mo sa kanila kung anong nangyari, kung ano ang gusto mo sanang mangyari.

Tanungin mo sila, ano kayang mali sayo, ano kayang nagawa mo, maling tao lang ba talaga ang minahal ko? Oh masyado lang akong asyumera?

Humingi ka ng payo; 

Dapat ba kausapin ko pa sya, dapat ba bigyan ko pa nang another chance, dapat ba subukan ko ding intindihin sya? 

Siguro dapat tingnan ko din ang sarili ko, baka ako din ang may mali, mali nya lang ang nakikita ko.

Pero dapat matauhan ka din pag napapanahon na. Kelan yung tamang panahon? Eto lang yan; pag yung bestfriend mo, nanay mo, katrabaho, mga alaga mo, napapagod na makinig sa paulit ulit ulit mong drama sa buhay, eh makaramdam ka naman.

TAMA NA, MOVE ON NA.