Ano ba please, nagttry ka magmove on yet araw araw tinitingnan mo pa rin naman ang update nya sa Facebook nya, Instagram, Tumblr, Flickr, Twitter or kung saan man yan.
Sinong niloloko mo?
Tama.
Sarili mo rin.
Ayos ka rin e.
Eh bakit ka ba kasi nakipagbreak?
Gusto mo lang ba na suyuin ka nya?
Eh hindi ka sinuyo.
Buti nga.
Ai tanga.
Anong magagawa ng status nya sa facebook?
Kaya ganyan lang din ang pagpapahalaga nya sayo kasi kasalanan mo din e.
Sinanay mo.
Ikaw lang lagi ng ikaw.
Bineybi mo masyado.
Ayaw mo iunfriend, ayaw mo magdeactivate kasi ang katwiran mo, bakit ko gagawin yun sino ba sya?
Sus, arte mo din eh.
Oh eh di iunfollow mo na lang para hindi mo makita sa newsfeed mo ang updates and activities nya. Ganun lang kasimple.
Kung gusto mo talaga mag move on kapatid, gawin mo.
Kaya mo yan.
Tulungan ang sarili.
Kailangan mo ba sya stalk araw-araw para alamin kung masaya ba sya?
Kung affected ba ng bongga, kung nahihirapan din ba tulad mo.
Pahirap ka sa sarili mo oo.
Tapos pag nakita mo na okay na sya may dinidate nang iba iiyak ka na naman...
Eh ikaw din kasi e.
Wag ka nang manghinayang.
Ibigsabihin lang non, hindi ka nya talaga mahal.
Eh di sana gumawa sya ng paraan para bumalik ka diba?
Eh hindi nga eh.
Hayaan mo na sya. Mabuti na nga yun kasi diba hindi mo na sinasayang pa ang panahon mo sa taong alam mong hindi ka naman talaga ganong kamahal.
Nakita mo sa mga post nya na nahihirapan din sya?
Nagstatus si Ex mo ng "Mahal pa rin kita, ang hirap na sobra"
Nagalak ka naman, medyo naluluha ka pa.
Kung mahal ka non edi sana nga nageffort yun diba?
Baka naman kaya nga sya nagstatus ng ganon kasi alam nya na kapag nabasa mo ikaw na mismo ang babalik sa kanya.
Wag naman ganun!
Mahalin mo ang sarili mo ano ka ba.
Pahirapan mo din naman sya.
Sinong nahihirapan ngayon?
Ikaw din.
Matauhan ka na, gising na.
TAMA NA, MOVE ON NA!
No comments:
Post a Comment